Bungad > Ang Buhay Ay Parang?, Yvesism > Ang Buhay ay Parang Rubik’s Cube

Ang Buhay ay Parang Rubik’s Cube

Setyembre 22, 2011 Mag-iwan ng puna Go to comments

Nuong ako’y 2nd year hayskul natutunan kong buoin ang 3x3x3 na rubik’s cube sa tulong ng aking nakatatandang kapatid, dinala ang naturang cube sa iskwelahan, ipinakita/ipinagmalaki/ipinagmayabang na kaya kong buoin ito. Hehehe. At sila ay namangha.

“oy, ang kewl mow nabuow mow lahaet ng sides? Ako nga hindey makabuow ng isa eh”


Nagpaturo ang isa kong klasmeyt, tinuruan ko sya at natuto sya.

(Note: ang gamit pa naming cube nuon ay yung tig-bebente (20) pesos, yung tipong konting maneobra lang sa pagpihit ay makakalas na. Yung matatalas ung gilid)

Makalipas ang mahigit apat na taon, ako ngayo’y 2nd year college na. Nitong nakaraang linggo ako’y bumili ng 4x4x4 rubik’s cube. Pinag-aralan unti-unti at natutunan ko naman. Nu’ng unang beses kong mabuo itong lintik na 4×4 na ito, nakaramdam ako ng galak at tuwa dahil isa itong achievement para saken. Sa pangalawang pagkakataon ko namang nabuo, narealize ko na: ang buhay pala ay parang rubiks cube. Mula sa simpleng 2×2 papunta sa 3×3, 4×4, 5×5 hanggang sa mga komplikadong hugis.

4x4x4 rubik's cube ni yves
Binubuo ng maraming piraso ngunit kapag nakalas, maaaring maibalik, maaari ring hindi.

Maraming kulay. Ibat-iba ang kulay bawat panig. Makulay ang buhay.

Kailangan mong intindihin bawat parte nito, alamin ang tamang lugar para mabuo ito.

Kapag meron kang nabuong parte at meron ka pang bubuuin, suguruhin mo lang na tama ang iyong galaw para mabuo ito na walang nagugulo.

At kelan ko kaya marerealize na:

Ang buhay ay parang Bato.

Ang buhay ay parang Tabo.

Ang buhay ay parang Dahon.

Ang buhay ay parang Gulong.

Ang buhay ay parang Kabute.

Ang buhay ay parang Rosary.

Ang buhay ay parang Kahon.

Ang buhay ay parang Kandila.

Ang buhay ay parang Cellphone.

At kung anu-ano pa.!

Hmmm…

maybe someday…

At lagi nating tandaan na ang buhay ay hindi pinaglalaruan.

Advertisements
  1. Zen
    Setyembre 27, 2011 bandang 7:25 Hapon

    Ahahaha.. Oo nga no.. Anything can be compared to life and we can put meaning to it. Metaphor nga naman.

    Ako, hanggang 3×3 lang. Tapos may isa pa akong binubuo, yung dalawang kulay lang. Yung berde at kulay kahoy na parang “snake”.. tapos bubuuin mo into a box na parang rubric din.. πŸ˜€

    • Setyembre 27, 2011 bandang 11:24 Hapon

      ah..
      alam ko yun. nabuo ko na yun dati, trial and error lang mabubuo mo rin yon πŸ™‚
      nga pala, salamat sa pagbisita. πŸ˜€

  2. Setyembre 30, 2011 bandang 11:23 Umaga

    yves, pede to sa SBA. hahahah laruan yung theme eh..sali mo na. :DD

  1. No trackbacks yet.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: