Bungad > Yvesism > Alipin Ng Poot

Alipin Ng Poot

Araw ng lunes, sa biochem class, sariwa pa sa aking diwa ang mga pangyayari sa classic na araw na iyon bilang isang estudyante.
-biglang magpe-fade(lalabo) ang scene-
-flashback-
-may sound na: tingi-ningi-ning! habang nag fe-fade-

Swabeng-swabe ang araw na iyon. Nakarating ako ng maaga sa unibersidad. Dahil maaga akong nakarating at alam kong may nagka-klase pa doon sa laboratoryo, kesa naman hintaying matapos sa labas ng kwarto, minabuti kong dumiretso sa silid aklatan (yah it’s library) upang magbasa ng libro syempre. Ang library kase ay isang airconditioned room at bukod sa erkon, may Wi-Fi din doon ngunit sa kasamaang palad ay wala naman akong kahit anong wi-fi device (aw! so sad 😦   lul. Dire-diretso ako sa lugar kung saan sandamukal ang mga libro.

Sa aking pagbabaybay sa mga libro sa shelf, isang libro ang pumukaw sa aking atensyon. Mukhang interesanteng basahin. Binuklat ko ang unang pahina, binasa ang mga sumunod na pahina at sinabing “mukhang maganda to”, pinagpatuloy pa ang pagbabasa. Napansin ko sa orasan na magwa-wan terti na at malapit na magsimula ang klase. Pano na yung libro? Hiramin ko nalang kaya, may borrower’s card maman.
Eh!, ayoko nga. Nung huli akong humiram ng libro, hindi ko naibalik sa takdang due date kase hindi ko pa tapos basahin at dahil dun, nagkaroon ako ng first offense sa library at simula noon hindi na ako nangahas pang humiram. Sa loob ko nalang binabasa, tinatago at binabalik-balikan ang mga na-tripan na aklat.

Rekta sa Lab
May experiment nga pala. Habang abala ang lahat sa pagsasagawa ng eksperimento, may bigla na lang mga sumisigaw. Napapasigaw sila dahil sa mga nagpi-pilanstikan na tunog dahil sa mga nababasag na aparato (halos lahat naman kase ng aparato ay babasagin). Tila harmony sa aking pandinig ang mga kilanstik ng mga basag na aparato. Mga MANGMANG, Bakit kasi hindi kayo nag-iingat? Ilang sandali pa, bigla nalang…

-plakishink- (hindi na harmony)

Napasigaw ako.
Alam na.
Nakabasag ako ng isang Graduated Cylinder.
Perstaym.
Yay! Ang mahal pa naman.

graduated cylinder basag

graduated cylinder basag

Think positive.
Dahil sa bandang itaas lang ang pinsala at hindi wasak na wasak, walang nadamay na calibration marks. Pwede pang gamitin pangsukat at nagmukhang “Dakilang Likhang Sining”. Pero minabuti kong itago na lang at hindi gamitin para sa kaligtasan ng karamihan.

Meron ako ilang naFormulate na mga quotes:
“Anumang pag-iingat ang gawin, basta nakatakdang mangyari, mangyayari parin.”

“ke gwapo o matalino, ke mahirap ke mayaman, walang sinuman ang excused sa katangahan.”

Update:

napalitan ko na yang graduated cylinder pero di nila alam na maliit lang yung ipinalit ko.

Advertisements
Mga Kategoriya:Yvesism Mga kataga,
  1. Walang puna.
  1. No trackbacks yet.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: